DLSU vs Ateneo agad sa Holiday Hoop
December 19, 2003 | 12:00am
Isang umaatikabong sagupaan ang pormal na magbubukas sa SMC Holiday Hoop Challenge: The Next Level bukas kung saan maghaharap ang mahigpit na magkaribal na De La Salle at Ateneo sa 13-under division matchup sa La Salle Greenhills gym sa San Juan.
Nakatakda ang pagtitipan ng Ateneo at La Salle sa alas-10:30 ng umaga na pampagana lamang ng 12 games na nakatakda sa araw na iyon sa nasabing tournament na eksklusibong itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC) na isang offshoot ng matagumpay na SMC Basketball Goodwill Circuit sa pangunguna ni coach Eric Altamirano. Ang naturang Circuit ay dumako sa maraming siyudad at bayan sa Pilipinas upang tulungan ang grassroots development ng basketball ng bansa.
Ang age group competition ay suportado ng mga produkto mula sa San Miguel Food Group gaya ng Magnolia poultry at dairy products, Purefoods, Pure-foods-Hormel at Montereys Meat Products, Cali, B-Meg at produkto ng Philippine Beverage Partners Inc., na kinabibilangan ng Magnolia fruit juices, Fun Chum at Viva! at mula sa San Miguels flour business ang susuporta rin sa nasabing event.
Tampok rin sa dalawang linggong tournament sa 13-under class ang Lourdes-Quezon City vs Harry 1 sa alas-8 ng umaga at magsasagupa naman ang Claret at Brgy. Jesus dela Peña sa alas-9:15 ng umaga.
At sa hapon na laro, magbabanatan ang Dominican at La Salle A (11:45 a.m.), SBPPA vs Harry 2 (1 p.m.) at Lourdes Mandaluyong vs Marikina Catholic (2:15 p.m.).
Sa 16-under division, ipamamalas naman ng Jose Rizal University ang kanilang tikas kontra sa Harry 1 sa 8 a.m. habang maglalaban ang San Beda kontra sa Hoop it UP team sa 9:15 a.m.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended