^

PSN Palaro

Del Rosario,No. 1 sa Asya

-
Sa kabila ng pagiging No. 1 sa Asian Ranking, hindi umaasa si Filipina bowler Liza Del Rosario na may ibibigay sa kanyang insentibo ang Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay Del Rosario, alam niyang ang mga nag-uwi ng gintong medalya mula sa quadrennial events katulad ng Asian Games at Olympic Games lamang ang bibigyan ng insentibo mula sa Republic Act 9064.

"For being No. I don’t think may ibibigay sila sa akin," wika ni Del Rosario sa PSC na nakapagbigay na ng insentibo kina Hall of Famer Bong Coo at Paeng Nepomuceno matapos maging gold medal winner sa World Championship. "Wala Championships naman kami next year, baka doon manalo ako."

Nagpagulong ang national team mainstay ng kabuuang 521 points para kilalaning No 1 sa Asian Ranking. Kasama rin ni Del Rosario sa Top 10 sina No. 2 Liza Clutario at No. 8 Cecil Yap na may 518 at 263 points, ayon sa pagkakasunod.

Sina Del Rosario, Clutario at Yap ang nagreyna sa trios events ng nakaraang 15th World Tenpin Championships na inilaro sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinipa ni Del Rosario para sa No. 1 spot si Asian Bowler of the Year Shalin Zulkifli na naglaglag sa No. 3 sa nakuhang 459 points sa ilalim ng 518 ni Clutario.

Sa kanyang paglalaro, hindi na inasahan ni Del Rosario ang tulong mula sa sports commis-sion.

"We have to find our own means of support para maka-sali sa mga tournaments sa ibang bansa," ani Del Rosario sa PSC. "Hindi kasi nila masyadong supported ang torneo sa ibang bansa," ani Del Rosario sa PSC. "Hindi kasi nila masyadong supported kapag hindi sa SEA Games or Asian Games."

ASIAN BOWLER OF THE YEAR SHALIN ZULKIFLI

ASIAN GAMES

ASIAN RANKING

CECIL YAP

CLUTARIO

DEL

DEL ROSARIO

HALL OF FAMER BONG COO

ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with