Dela Cruz ,FG Sportsman of the Year

Si Tony dela Cruz ng Shell ang kauna-unahang recipient ng First Gentleman Sportsman of the Year award -- isang parangal na ibibigay sa PBA player na malaki ang naging kontribusyon para mapaganda ang image ng liga na lalong naglapit sa mga fans.

Si dela Cruz, tatlong taon nang naglalaro sa PBA ay pinili mula sa siyam na players na naging kandidato para sa naturang karangalan. Sila ay nagging bahagi ng outreach program ng PBA sa Metro Manila at sa iba’t ibang probinsiya.

Ang naturang award ay nilikha bilang proyekto ng First Gentleman Foundation ni Atty. Mike Arroyo.

Si dela Cruz ay tumanggap ng tropeo bukod pa sa P100,000 cash sa nakaraang Leo Prieto Awards mula kay presidential son Dato Arroyo, na kumatawan sa kanyang ama sa star studded awards night sa Music Museum.

Natalo si dela Cruz sa Most Improve awards kay Rafi Reavis ng Coca-Cola ng limang puntos lamang ngunit naisubi nito ang special awards

Maraming napasiya ang Fil-Am na si dela Cruz sa outreach program ng liga sa isang road game sa Bohol noong October.

Ang six-man panel na binubuo ng representatives ng Office of the Commissioner, carrying station NBN-4 at ang First Gentleman Foundation ang pumili ng awardee base sa apat na criteria: sinsiredad sa pakikibahagi sa outreach activities; sportsmanship qualities sa mga games; sariling advocacy projects; at magandang image sa loob at labas ng court.

Show comments