^

PSN Palaro

PUP pasok sa q'finals

-
Sumandig ang Polytechnic University of the Philippines Ma-roons sa huling dalawang puntos upang igupo ang Lyceum Pirates, 82-61 noong Lunes sa pagpapatuloy ng 11th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament sa RTU gym.

Ang panalong ito ng Maroons ang nagdala sa kanila upang upuan ang huling quarterfinals slot at makasama ang mga maagang qualifiers na Philippine School of Business Administration, Philippine Mari-time Institute at Rizal Technological University sa Group B.

Nagpamalas ng intensibong laro sina Ealjun Lapera at Luis Palaganas nang tumapyas ng tig-15 puntos na sapat na para maningning na itiklop ang kanilang siyam na larong asignatura sa elimination round na may anim na panalo at tatlong talo.

Nailagay rin ng Maroons ang kanilang katayuan sa Group A kasama ang St. Francis, San Sebastian College of Cavite, Emilio Aguinaldo College at Colegio de San Lorenzo.

Sa iba pang laro, namayani naman ang PSBA Jaguars sa RTU, 82-75 upang manatiling walang talo matapos ang siyam na laro.

Pumukol si Ronnie Zagala ng 23 puntos habang nag-ambag naman si Romer Diaz ng 20 puntos upang tulungan ang Ja-guars na maging top contenders para sa korona ngayong taon.

Kumana naman si Ronjay Buenafe ng walong puntos, pero ang kanyang dalawang freethrows kasabay ng pagkaubos ng oras ang nagdala sa EAC Generals na maiposte ang 80-77 pamamayani kontra sa CDSL Griffins.

Nagtala si Segundino Mellejor ng 17 puntos nang payukurin ng RTU ang New Era, 82-77 upang tumapos ng 7-2 slate.

Sa junior division, humataw si Randolf Enera ng 28 puntos para trangkuhan ang St. Francis Dovelets na humiya naman sa Olivarez HS, 103-89.

Sa women’s side, tinalo ng AMACU ang EAC, 67-33.

EALJUN LAPERA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GROUP A

GROUP B

LUIS PALAGANAS

LYCEUM PIRATES

NATIONAL CAPITAL REGION ATHLETIC ASSOCIATION

NEW ERA

PHILIPPINE MARI

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with