Sunkist inarangkada ni Compton

Umiskor ng triple si Alex Compton may 63 segundo na lamang ang nalala-bing oras sa laro upang makakalas ang Sunkist-UST sa pagtatabla na naging daan tungo sa kanilang 69-63 panalo kontra sa ICTSI-La Salle sa pagpapatuloy ng 2003 PBL Platinum Cup sa Letran gym.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Tigers at ikalima sa kabuuang siyam na asignatura na nagpalakas ng kanilang tsansang makapasok sa semifinal round.

Umabante ang Sunkist ng 15-puntos ngunit isang 10-2 run ang pinakawalan ng Archers para makatabla sa 61-all, 6:09 pa ang oras ng laro.

Umabante pa ng 2-puntos ang Tigers mula sa basket ni Bernzon Franco ngunit isang jumper ni Manny Ramos ang muling nagtabla ng iskor sa 63.

Dito pumukol si Compton ng Tres para sa 6-0 run na naglayo sa Tigers at di na muling lumingon pa.

Tumapos si Compton ng 13-puntos sa likod ng 15 ni Jemal Vizcarra.

Mayroon ding walong rebounds si Compton bukod pa sa kanyang 12 assists.

Show comments