Tamaraw Eagles masusubukan

Patutunayan ng UAAP champion teams na Far Eastern at Ateneo ang kani-lang dominasyon sa magkahiwalay na kalaban sa Final Four ng Champions League sa Rizal Memorial Coliseum.

Unang magsasagupa ang FEU Tamaraws, ang 2003 UAAP champions at ang NCRAA titlists St. Fran-cis sa alas-2:30 ng hapon.

Isusunod naman dito ang sagupaan ng 2002 UAAP titlists na Blue Eagles at NCAA champion San Sebastian Stags sa alas-4:30.

Show comments