^

PSN Palaro

Tapos na rin ang pagod at hirap

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
HO CHI MINH-- Haaay sa wakas tapos na ang 14 na araw na trabaho dito sa 22nd Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Ho Chi Minh at ilang probinsiya ng Vietnam.

Nakakapagod din ang ganitong coverage pero malaking kaginhawahan kapag nakakakuha ng gintong medalya ang mga Pinoy athletes.

Naging matagumpay ang mga atleta sa 40 gold medals na target ni PSC chairman Eric Buhain at higit sa lahat nahigitan ang 5th place finish natin sa Kuala Lumpur Malaysia noong 2001.

Ngayon, 4th place tayo with 48 gold medals.

Siguro naman, pagbalik ng lahat sa Maynila magsisimula na uli sila sa kanilang preparasyon hindi lamang para sa pagho-host natin ng 2005 SEA Games kundi maging sa Athens Olympic sa 2004.

Kaya naman sana, huwag kakalimutan na ang tagumpay ng bawat atleta ay tagumpay ng buong sambayanan.

Kaya mabuhay ang mga atletang Pilipino!
* * *
Masayang-masaya si Jean Henri Lhuillier dahil napanatili ng Philippine basketball team ang korona sa SEAG.

Tila ito ang hudyat ng walang kamatayang pagtulong ni Lhuillier sa basketball kung saan pati na rin ang women's team ay inako niya.

Sa katunayan, nais nitong magsagawa ng regional tryouts para sa mga kababaihan pag-uwi ng Pilipinas. Sinabi ni Lhuillier na makikipag-usap siya sa kinauukulan para sa kanyang mga plano at programa.

Mabuti pa si Lhuillier may plano at programa para sa basketball. 'Yun lang!
* * *
Speaking of basketball, at least 7 players dito sa National team ang aakyat na sa PBA.

Ito ay sina Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, James Yap, Gary David, Rich Alvarez, Ervin Sotto at Wesley Gonzales.

Ibig sabihin pilay na naman ang National team na ibig sanang manatili ni Lhuillier.
* * *
Tuwang-tuwa ako ng malaman ko na nagbabasa pala ng Ang Pilipino Star Ngayon si First Gentleman dahil nang malaman niyang taga-roon ako, siya mismo ang nagsabing, "Ang lakas ng diyaryo nyo ah."

Bukod kay First Gentleman, nalaman ko na marami pala sa basketball player ng Nationals na naririto sa Vietnam ang nagbabasa ng ating diyaryo. Hindi nawawalan ng kopya sina Ervin Sotto, Gary David, Mark Pingris at Ranidel De Ocampo. Alam kung totoo ang sinasabi nila dahil kilala nila ang lahat ng kolumnista at pati ang mga naging ulat na lumabas sa kanila.

Tuwang-tuwa nga ako kay Ervin dahil mismong nanggaling sa kanya na siya ang bumibili ng PSN at ang binabasa niya dahil nga minsan mali ang spelling ng pangalan niya. Minsan kasi Irvin ang nakalagay pero ang tunay pala ay Ervin.
* * *
Na-miss ko ang aking bunso na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Disyembre 13. Happy birthday bunso!

Happy birthday din kina Madam Beth Celis noong Dec. 14, Coach Tim Cone (Dec. 14) Jun Limpot (Dec. 14) at sa aking inaanak na si Kim noong Dec. 9 at pareng coach Nat Canson noong Dec. 12.

ANG PILIPINO

ATHENS OLYMPIC

CENTER

COACH TIM CONE

ERVIN SOTTO

FIRST GENTLEMAN

GARY DAVID

LHUILLIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with