Paghandaan ang 2005 SEAG
December 15, 2003 | 12:00am
LUMAMPAS sa 40 gold medals ang hinakot natin sa Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi Vietnam at natural na magbunyi tayong lahat. Kasi nga, iyon naman ang target natin.
Pero kahit paanoy masakit para sa atin ang katotohanang napakaraming gintong medalya ang naiwan sa host Vietnam. Ibig sabihin ay nalampasan nila tayo nang milya-milya at iyon ang sumusundot sa puso natin.
Biruin mong ang isang bansang galing sa giyera at nagsi-simula pa lamang na makaahon ay nakapagpakitang-gilas na kaagad sa larangan ng sports! Sinasabi nga ng karamihan na ang pagiging dominante ng isang bansa sa sports ay indikasyon ng prosperidad ng bansang iyon.
Kung iyon ang magiging batayan, abay nasaan tayo dito sa Southeast Asia?
Dapat nga ba nating ikatuwa ang pagiging pang-apat natin sa Southeast Asian Games?
Well, wala na tayong magagawa, e. Tapos na ang SEAG. Maghahanda na lang tayo sa ating pagiging host sa susunod na yugto ng SEAG at aambisyunin natin na masundan ang yapak ng Vietnam.
Masundan ang yapak ng Vietnam? Masakit ulit iyon, ha!
Noong 1991 ay naging host din tayo ng SEA Games at muntik na rin nating masilat ang Indonesia para sa overall championship. Kinapos lang tayo ng isang ginto.
Puwede natin itong gawin sa 2005 kung paghahandaan nating maigi ang pagiging host ng SEAG. Ngayon pa lang, pagbalik na pagbalik ng mga opisyales at atleta natin ay dapat na simulan kaagad ang paghahanda.
At isang magandang paraan ng pagsisimula ay ang pag-iisantabi ng mga hidwaan ng mga opisyales natin. Kailangang ayusin kaagad ang estado ng bawat sports association at hindi yung sa loob mismo ng kani-kanilang bakuran ay nag-aaway sila.
Ngayon pa lang ay plantsahin na kung ano ang dapat plantsahin sa Philippine Sports Commission. Hindi nga bat bago umalis ang delegation tungong Vietnam ay kung anu-anong balita ang lumabas hinggil sa pamunuan ng PSC na kesyo papalitan na si Chairman Eric Buhain at nakaantabay na ang mga tulad nina Eli Bontigao at Dodot Jaworski.
Ang kailangan sa PSC ay isang firm leadership na hindi pinapalit-palitan palagi. Abay sigurado ako na pagkatapos ng halalan sa 2004 ay magkakaroon ng shuffling sa PSC depende sa mananalong pangulo. Mababago na naman ang liderato nito at mahirap na sa loob ng isat kalahating taon ay magkaroon ng isang solid program para maseguro na maganda ang ipapakita natin sa 2005 SEA Games. Paiba-iba ang programa, e.
Kung ang mga opisyales mismo ang nag-iiringan at nagme-merry-go-round, abay paano magkakaroon ng peace of mind ang mga atleta? Paano sila makaka-focus sa target nila sa susunod na SEA Games?
Nagtatanong lang po.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am