^

PSN Palaro

Coca-Cola PBA Reinforced Conference champion

-
Matapos madiskaril noong Game-Sic, ibinuhos ng Coca-Cola ang lahat ng kanilang lakas upang makopo ang titulo sa PBA Samsung Reinforced Conference.

Isinelyo ng Tigers ang panalo sa pamamagitan ng 92-84 panalo sa winner-take-all Game-Seven kagabi sa dinayong Araneta Coliseum.

Bumawi ang Coca-Cola sa 80-85 pagkatalo noong Game-Six na siyang dahilan ng pagkaudlot ng pagbagsak ng mga lobo at confetti ngunit kagabi ay hindi na napigilan ito nang iselyo ng Coke ang serye sa best-of-seven championship series sa 4-3 panalo-talo.

Bagamat nalagasan ang Tigers sa kaagahan ng ikaapat na quarter nang ma-injured si Rob Wainwright hindi ito naging hadlang sa kanila at bagkus ay lalo pa silang lumakas para sumulong sa 15-puntos na kalamangan.

Sinikap pang makaba-ngon ng San Miguel na lumapit ng hanggang limang puntos, 82-87, 1:39 pa ang oras sa laro ngunit hindi naman nila nai-convert ang mahahalagang posesyon na si-yang dahilan para makuntento lamang sila sa runner-up finish.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BAGAMAT

BUMAWI

COCA-COLA

GAME-SEVEN

GAME-SIC

GAME-SIX

ROB WAINWRIGHT

SAMSUNG REINFORCED CONFERENCE

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with