^

PSN Palaro

Perry Tale

GAME NA! - Bill Velasco -
Kung inyong pagmamasdan si Perry Ronquillo, hindi ninyo malalaman kung masaya siyang tao o hindi. Mukha siyang pagod, namumuti na ang mga buhok, at palaisip. Matatanong ninyo tuloy kung gaano kahirap para sa kanya ang pagpasya niyang magbitiw bilang coach ng Shell Turbochargers.

"Pamilya ko ang Shell," bungad niya. "Lahat ng mga player ngayon, may kinalaman ako sa pagpili. Maraming luha ang dumaloy."

1991 pa nagsimula bilang amateur si Ronquillo. Kasabay niya sa San Beda sina Dong Vergeire at Robert Sison, na kapwa nakapagpa-kampeon na. Noong 1995, nakaakyat siya sa PBA bilang assistant sa Shell. Pagdating ng 1998, siya na ang pinahawak sa team.

"Walang padrinong nakapaligid para tulungan ako," pagpapaalala ni Ronquillo. "Talagang naghirap ako."

Noong 1999, dala ng pambihirang laro ni Benjie Paras, nasungkit ng Turbochargers ang kampeonato ng All-Filipino. Subalit di na naulit ang kasiyahang iyon. Ilang taon din silang naghintay para sa sentrong di dumating.

"Panahon na siguro para iba ang magplano ng kinabukasan ng team," paliwanag ng coach. "Malaking tulong-pinansyal sana kung tinuloy ko pa. Pero ayaw kong dayain ang management. Ayaw kong dayain ang mga player."

Idinidiin ni Perry na hindi siya nagreretiro. Marami daw ang nagulat. Pero malaking paghihirap na ang pinagdaanan niya. Kaya maganda ang naganap na paghihiwalay.

Kabalintunaang maituturing na, ngayong unang pipili sa draft ang Shell, magpapalit ito ng coach. Matunog ang pangalan ni Leo Austria ng Welcoat at Norman Black. Maging ang Purefoods ay nakabantay sa ikikilos ng Shell, dahil sila ang magkasunod sa draft.

Huwag sanang matapon ang magandang baraha.

vuukle comment

BENJIE PARAS

DONG VERGEIRE

LEO AUSTRIA

NOONG

NORMAN BLACK

PERO

PERRY RONQUILLO

ROBERT SISON

RONQUILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with