^

PSN Palaro

Matagal mag-init ang RP cyclists

-
HO CHI MINH -- Parang isang diesel engine na matagal mag-init.

Ito ang deskripsyon ng mga coach at kasama kay Eusebio Quinones ang natatanging gold medal winner sa cycling.

"Parang diesel ‘yang si Ebok (palayaw ni Quinones)," ani Renato Mier, ang Cebu policeman at assistant coach na may malaking papel sa paghahasa sa mga mountain bikers sa isang pangkampeonatong porma dito sa 22nd Southeast Asian Games. "Habang tumatagal, umiinit."

At ito nga ang ginawa ni Quinones nang kanyang mapagwagian ang gintong medalya noong Biyernes sa Hoa Bihn province sa Vietnam, kung saan idinadaos ang cycling events.

Sa pinal na yugto ng six-lap, 35 km cross country event, nakabuntot lang si Quinones sa kanyang karibal na Thai na si Masae Tawatcha sa 40 degree na pataas na lugar habang kabuntot naman ang isa pang si Frederick Feliciano na siyang bronze medal sa naturang event.

"The entire Philippine cycling team went wild at that point but we prayed that Ebok won’t take a spill," ani Mar Mendoza, team manager ng cycling team.

Rumemate si Quinones sa finish line upang ihandog ang kauna-unahang SEA gold medal sa bansa sapul nang una itong makuha na napagwagian ang karera noon sa Chiang Mai Games noong 1995. (Ulat ni DMVillena)

BIYERNES

CHIANG MAI GAMES

EBOK

EUSEBIO QUINONES

FREDERICK FELICIANO

HOA BIHN

MAR MENDOZA

MASAE TAWATCHA

RENATO MIER

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with