Kinapos ang Team Phi-lippines sa quadruple-gold sweep nang sunud-sunod na draw ang laban ni Grandmaster Eugene Torre na nagkasya lamang sa runner-up honors.
Nanalo din ang RP lady chessers ng third place ngunit pinakawalan ni Sheerie Joy Lomibao ang bronze sa individual play matapos matalo sa nag-champion na si Nguyen Thi Tan An sa final round.
Sa kabuuan ang Philippine chess team ay may tatlong golds at tatlong bronzes kabilang ang produksiyon ni Beverly Mendoza sa rapid event.
"We delivered three golds and three bronzes, siguro hindi na masama iyon. I think it was a good harvest, specially if you would con-sider there was a tension in the team early on," sabi ni coach Sammy Estimo.
Nai-draw ni Indonesian Utut Adianto ang laban kon-tra kay Torre sa eighth at penultimate round hawak ang white pieces bago talunin si Vietnamese Dao Thien Hai hawak ang black sa final round para makopo ang individual title.