^

PSN Palaro

3 golds sa RP Chess

-
HO CHI MINH -- Umiskor ang mga Pinoy chessers ng triple kill sa unang pagtatanghal ng chess sa Southeast Asian Games, dagdag sa kanilang pag-sweep sa men’s standard championships.

Kinapos ang Team Phi-lippines sa quadruple-gold sweep nang sunud-sunod na draw ang laban ni Grandmaster Eugene Torre na nagkasya lamang sa runner-up honors.

Nanalo din ang RP lady chessers ng third place ngunit pinakawalan ni Sheerie Joy Lomibao ang bronze sa individual play matapos matalo sa nag-champion na si Nguyen Thi Tan An sa final round.

Sa kabuuan ang Philippine chess team ay may tatlong golds at tatlong bronzes kabilang ang produksiyon ni Beverly Mendoza sa rapid event.

"We delivered three golds and three bronzes, siguro hindi na masama iyon. I think it was a good harvest, specially if you would con-sider there was a tension in the team early on," sabi ni coach Sammy Estimo.

Nai-draw ni Indonesian Utut Adianto ang laban kon-tra kay Torre sa eighth at penultimate round hawak ang white pieces bago talunin si Vietnamese Dao Thien Hai hawak ang black sa final round para makopo ang individual title.

BEVERLY MENDOZA

GRANDMASTER EUGENE TORRE

INDONESIAN UTUT ADIANTO

KINAPOS

NGUYEN THI TAN AN

SAMMY ESTIMO

SHEERIE JOY LOMIBAO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHI

VIETNAMESE DAO THIEN HAI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with