Isa na lang sa basketball champion na
December 13, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH -- Ipopormalisa ng RP-Cebuana Lhuillier ang pagkopo sa korona ng basketball sa kanilang pakikipagtagpo ngayon sa Malaysia sa basketball competition ng 22nd Southeast Asian Games sa Military Zone 7 Stadium dito.
Nasa kamay na ng Na-tionals ang titulo noong Huwebes ng gabi nang matalo ang Malaysia sa Thailand, 79-74. Tinalo ng Nationals ang Thailand sa kanilang unang asignatura, 85-49.
Ngunit noong Huwebes ng gabi, muntik na ang Pinoy cagers nang dikit lamang ang kanilang panalo laban sa Pinoy-coached Indonesia, 75-70.
"That was an eye-opener for us. It showed that we cannot afford to be complacent," ani assistant coach Boyzie Zamar pagkatapos ng larong iyon. "We skipped practice in the morning on the day we played against Indonesia. The boys were over confident. Maybe that was not such a good idea," dagdag pa ni Zamar.
Pinagalitan din ni RP coach Aric del Rosario ang Nationals at sinabing hindi dapat maulit ang kanilang ginawa kontra sa Malaysia dahil mas malamang na makawala pa ang korona sa kanilang kamay.
Ayon kay Zamar, ang Malaysia ay isang bata at mahusay na running team, bagamat napag-aralan na nila ang galaw ng kalaban.
Target ng Pinoy na mawalis ang kanilang limang larong asignatura para mapanatili ang SEA Games title sa basketball na hawak nila sa pitong ikasunod na pagkakataon sa ganap na alas-11:00 ng umaga (alas-12 ng tanghali sa Manila).
Ang tanging pag-asa ng Malaysia na makasilat ay ang manalo laban sa Pilipinas ng mahigit 21-puntos na tiyak na hindi papayagan ng RP-Five.
Samantala, may malaking tsansa pa ang Pinay cagebelles na maiuwi ang silver medal sa kababaihan sa kanilang pakikipagtagpo sa Singapore sa ganap na alas-9:00 ng umaga (alas-10 sa Manila).
Ang Pinay ay may 3-1 win-loss card na hawak at kapag nanalo sa Singaporean (2-1) ay may tsansa sa silver.(Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest