RP chessers nangunguna pa rin
December 11, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH -- Patuloy ang trangko ng Philippine chess team sa standard chess competition ng 22nd Southeast Asian Games sa kanilang pakikisosyo sa liderato dito sa Van Don Hall.
Ang mens chess team na kasama ang Indonesia sa unahan ay hatak ni GM Eugene Torre sa mens individual kasama si Indonesian IM Susano Megaranto habang inokupahan naman ni WIM Beverly Mendoza ang unahan ng kababaihan kasama ang Vietnamese top seed na si Nguyen Thi Thanh An at dalawa pa.
Abante ng half point ang RP chessers na kinabibilangan din nina GM Rogelio Joey Antonio at Bong Villamayor at double-gold medalist IM Mark Paragua at Ronald Dableo na may 11 puntos tulad ng Indons na pinamumunuan ni GM Utut Adianto, ang mga batang masters ng Vietnam.
Nakuha naman ng pinakabeteranong si Torre ang solo liderato sa mens individual matapos ang 3rd round ngunit muling nakisosyo kay Megaranto matapos ang isang draw kay Villamyor sa ikaapat na round.
Samantala, si Mendoza, bronze medalist sa rapid chess, ay pumailanlang sa itaas ng womens individual standard nang daigin nito si Thandar Aye Win sa ikatlong round at Vietnamese Le Phuong Lien sa ikaapat na round.
Pumapangatlo naman sa mens individual ay ang Pinoy na si Villamayor na may 3 points habang si Antonio ay may 2.5 at sina Paragua at Dableo ay may tig-2 puntos.
"Were in contention for three more golds here. Malaki ang chance sa mens at ngayon lumalaban pa si Beverly sa womens. Desididong dagdagan yong bronze niya sa rapid," wika ni RP team coach Atty. Sammy Estimo. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended