^

PSN Palaro

Singapore durog sa RP-5

-
HO CHI MINH -- Isinama ng Philippine basketball team sa kanilang biktima ang Singapore nang bugbugin nila ito, 97-56, kagabi at ihanda ang sarili laban sa Indonesia at Malaysia para makumpleto ang kanilang pagwawalis sa ikapitong titulo sa basketball event ng 22nd Southeast Asian Games sa Militay gym dito.

"Dalawa na lang. Naiinip na nga kami at gusto nang tapusin ang giye-rang ito," ani national coach Aric del Rosario.

At tulad ng kanilang mga naunang laro kontra sa Thailand at Vietnam, walang awa ring pinahirapan ng Nationals ang Singaporeans nang sa kaagahan ng laro ay agad ipadama ang kanilang dominasyon.

Muling nanalasa si UAAP MVP James Yap sa opensa na may suporta pa mula kina Ranidel De Ocampo at Gary David.

Nilimita ng National ang Singaporean sa 9 na puntos sa opening quarter tungo sa 56-18 bentahe.

Ngunit tulad ng naunang sinabi ni Del Rosario, hindi pinakinabangan si Richard Melencio na inilabas ng court kahapon nakahiga sa stretcher bunga ng kanyang back spasm.

Gayunpaman nagkapaglaro na si Mark Pingris na na-injured naman ang daliri sa paa.

Sa kababaihan, bumangon ang Pinay cagebelles mula sa kabiguang nalasap sa defending champion Malaysia noong Martes ng gabi nang, paglaruan nila ang host Vietnam, 81-50. (Ulat ni DMV)

ARIC

DALAWA

DEL ROSARIO

GARY DAVID

GAYUNPAMAN

JAMES YAP

MARK PINGRIS

RANIDEL DE OCAMPO

RICHARD MELENCIO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with