^

PSN Palaro

2 silver, 1 bronze lang sa cyclist

-
HANOI -- Tanging silver medal lamang ang inihandog ni Warren Davadilla sa bansa nang pumangalawa ito sa men’s 160kms massed start race sa beteranong Malaysian rider na hinasa at nagsanay sa Europa.

Ito ang ikalawang silver para sa cycling matapos ialay ni Victor Espiritu ang una sa 40km Individual Time Trial at ikatlong medalya sa kabuaan mula naman sa bronze ni Alfie Catalan sa criterium.

Naiyak sa sama ng loob si national coach Jomel Lorenzo nang ipagla-ban nito ang ruling sa race commissaire na gumawa ng infraction sa sprint finish si Merculio Ramos.

Ayon sa commissaire, umekis si Ramos sa sprint na isang bawal sa UCI rules.

"Alam ko na hindi siya nag-commit ng infraction," luhaang pahayag ni Lorenzo, na multi gold medal rider noong 1979 at 1981 SEA Games, na nagkait din kay Ramos na mukuha ang bronze medal.

Naorasan ng tatlong oras, 47 minuto at 2.12 segundo si Razalli Shahrul Neeza Bin Mohd, ang 33-year old Malaysian rider, para maisukbit ang kanyang ikaapat na SEA Games gold medal at una para sa Malaysia ngayong edisyon.

Naiyak din si Davadilla matapos tumawid sa finish line sa bilis na 3:47:34.24, na 32.12 segundo lamang na layo sa gold medalist. "Pinilit ko sir," ang tanging sambit ng dating Marlboro Tour champion na si Davadilla.

Unang tumawid sa finish line si Ramos kontra sa Thai rider ngunit bu-magsak sa ikaapat na puwesto kung saan ipinagkait ang bronze medal dahil sa ipinagbabawal ng UCI ruling. (Ulat ni DMVillena)

ALFIE CATALAN

DAVADILLA

INDIVIDUAL TIME TRIAL

JOMEL LORENZO

MARLBORO TOUR

MERCULIO RAMOS

NAIYAK

RAMOS

RAZALLI SHAHRUL NEEZA BIN MOHD

VICTOR ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with