^

PSN Palaro

2 golds sa athletics, 1 sa swimming

-
HO CHI MINH -- Hindi naging malamig at makulimlim ang araw para sa Pambansang delegasyon nang dalawang golds mula sa athletics at isa sa swimming ang nagbigay kulay sa kanilang kampanya dito sa 22nd Southeast Asian Games.

Buong tikas na inihandog ni Danilo Fresnido ang gintong medalya sa javelin throw nang bumato ito ng 67.11m upang lagpasan ang dalawang mahigpit na karibal na Thailand na siyang umokopa naman 2-3 position para sa silver at bronze medal.

Ang ikalawang ginto ay nagmula naman kay Pinay long jump queen Lerma Bulauitan Gabito na tumalonn ng 6.21m.

Ito ang ikalawang talon ng 27 anyos na gold medalist sa Asian Grand Prix na si Bulauitan. Ang kanyang unang talo ay 6.08m lamang at sa ikatlong pagtatangka naman ay 6.17m sa National Stadium sa Hanoi.

Ito rin ang ikaanim na gintong medalya ng mga bataan ni Go Teng Kok, na buong tapang na nagsabing kukuha sila ng kabuuang 10 hanggang 14 gold medals.

Kinagabihan, lumangoy naman ng gintong medalya si Miguel Molina nang pangunahan nito ang 200m freestyle sa swimming competition sa National Aquatics stadium.

Ang panalong ito ng athletics ang tumakip sa malas na araw ng mga taekwondo jins nang mula sa anim na Pinoy jins na nakasalang kahapon tanging dalawa lamang ang nakalusot sa finals.

Umabot ang magandang si Veronica Domingo sa finals makaraang gapiin ang Indonesian jin a si Emerald Maragaret Dhen 3-2.

Ngunit nahaharap sa mabigat na laban para sa gold kung saan makakalaban niya ang Vietnamese jin na si Pham Thi Phuong Quyen sa lightweight class sa Phu To stadium sa Ho Chi Minh City na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito.

Umusad din sa final round si Kalindi Tamayo para sa gold medal sa bantamweight kontra sa Vietnamese din.

Silver medal din ang na-dive ng tambalang Jaime Asok at Nino Carag sa Synchronized Spring board 3m kung saan nasungkit ng tambalang Thai divers ang gold at bronze medal naman ang Indonesian duo.

Sa kababaihan naman, nakuntento na lamang sina Shiela Mae Perez at Cesiel Domenios sa bronze medal. Nakuha naman ni Wilfredo Vizcayno ang silver medal sa men’s epee ng fencing event makaraang yumukod ito sa Thai fencer na si Siriroj Rattaprasert.(Ulat ni Dina Marie Villena)

ASIAN GRAND PRIX

CESIEL DOMENIOS

DANILO FRESNIDO

DINA MARIE VILLENA

EMERALD MARAGARET DHEN

GO TENG KOK

HO CHI MINH CITY

JAIME ASOK

KALINDI TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with