RP trap shooters nakalusot sa Vietnam

HANOI -- Tinapos ni Eric Ang ang nasimulan nina Jaime Recio at Jethro Dionisio para makopo ng Philippines ang team trap gold kahapon sa shooting competition ng 22nd Southeast Asian Games.

Ang 104 ni Recio ay kanyang naiselyo sa pamamagitan ng 20 sa kanyang final 25 birds na nagbigay kay Ang ng two point cushion na kanyang naging puhunan laban sa Vietnamese na si E Nghia sa final round kung saan umiskor ito ng 23 sa kanyang final round.

Ito ang nagbigay sa mga Pinoy shooters ng 309-308 panalo kontra sa Vietnam sa pinaghirapang gold sa National Sports Training Center 1.

Pagkatapos ng laban ni Dionisio, tabla ang Philippines at Vietnam sa 266 habang nasibak ang Malaysia sa kanilang 256.

Show comments