^

PSN Palaro

21 golds na sa RP

-
HO CHI MINH -- Limang beses na umalingawngaw ang Pambansang awit na ‘Lupang Hinirang’ kahapon sa Hanoi ng apat na gintong medalya ang idinagdag sa koleksiyon ng Pilipinas sa kanilang kam-panya sa 22nd Southeast Asian Games.

Unang inaalay ng Pinoy divers ang gintong medalya nang manguna ang tambalang Ryan Rexel Fabriga at Jaime Asok sa synchronized diving sa pang-umagang events sa National Aquatics Sports Complex sa Hanoi.

Ito ang ikalawang gold medal ng 18 anyos na si Fabriga, na ang una ay sa 10m platform individual.

Pumangalawa para sa silver medal ang Husaini Noor at Muhammad Nasrullah ng Malaysia at bronze para sa Thailand.

Binaril naman ng men’s trap team ang ikalawang gintong medalya sa araw na ito makaraang magpaputok ng kabuuang 309 sina Jaime Recio, Eric Ang at Jethro Dionisio sa men‚s team trap shooting sa National Training Sports Center 1 sa Hanoi.

Bumaril ng 106 si Recio, silver medalist sa 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur, upang makuha ng team ang gold ng isang puntos na lamang sa Vietnamese trap shooters na may 308 para sa silver.

Ihinabol naman ng swimmer na si Miguel Mednoza ang ikalimang gold sa 1500m freestyle. (Ulat ni Dina Marie Villena)

DINA MARIE VILLENA

ERIC ANG

HUSAINI NOOR

JAIME ASOK

JAIME RECIO

JETHRO DIONISIO

KUALA LUMPUR

LUPANG HINIRANG

MIGUEL MEDNOZA

MUHAMMAD NASRULLAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with