^

PSN Palaro

Kuwentong Vietnam

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
HO CHI MINH -- Grabe ang dami ng motorsiklo dito sa Vietnam. Parang mga langgam sila sa sobrang dami na ikaw mismo ay matatakot tumawid dahil hindi kotse ang makakasagi sa iyo kundi motorsiklo. Walang pakialam kung may masasagi man na kahit sa bangketa ay dumaan na sila.

Lalo na kapag nanalo ang Vietnam football team.

Parang walang katapusan ang kanilang pagsasaya at higit sa lahat ay hindi na yata nauubusan ng gasoline sa kanilang pag-ikot-ikot para lamang ipakita ang kanilang kasiyahan.

Kaya tuloy kapag ganito ang sitwasyon, sobrang trapik na at walang madaanan ang mga bus at kotse dahil ang motorsiklo ang hari ng kalsada dito sa Vietnam.

Kaya nga kaming mismong naririto ay takot basta-basta tumawid.

Ang nakakatuwa lang dito, friendly naman ang mga Vietnamese at maamo ang mga mukhang ng mga kababaihan (ingat nga lang daw sa Vietnam rose. Alam nyo ba ‘yun?). At hindi sila mga basagulero at war freak.

Siguro dahil nagsawa na sila sa giyerang tinamo nila.

Although, maraming mga salbahe din daw dito, mandurokot, snatcher at manloloko.

Tulad na lang noong Linggo ng gabi na medyo nagkaka-inuman ang mga media boys dito nang makursunadahan kong kumain ng mais. Siyempre tanong ako kung magkano, eh sagot ba naman ng nagtitinda ay $1 daw ang isa. Grabe naman kamahal ang mais na ‘yun kaya tinanong naming yung Vietnamese na nagse-serve at sinabing 4,000 vietnam dong lang daw yun. Eh yung 1 US dollar na ‘yun ay 15,600 Vietnam dong ang halaga.

So kita nyo ang diperensiya 11,600 Vietnam dong lang naman.

Kaya nang malaman nung Vietnamese na may ari ng pinag-iinuman namin pinagalitan yung tindero ng mais na nahihiyang umalis na lang sa harapan namin.

Masarap ang pagkain dito kung hindi ka gaanong mapili. Mura pa. Isa lang ang diperensiya. Kapag nagtatanong na kami ay hindi na kami magkaintindihan kung magkano ang babayaran.

All-Filipino din pala ang naging finals ng 8-ball billiards kung saan nakalaban ni Lee Van Corteza si Ibrahim Amir ng Malaysia.

Ito ang kuwento sa amin ni Clyde ‘James’ Mariano.

Habang pinanonood niya kasi ang finals sinabi umano ni Efren ‘Bata’ Reyes na kahit sinong manalo sa laban na iyon ay sa Pinoy pa rin.

Siyempre taka naman si James at tinanong kung bakit.

Ito palang si Ibrahim Amir ay galing ng General Santos City sa Mindanao. Pero noong siya ay bata pa mga 12 anyos na yata, ay nagtungo ito sa Sabah, Malaysia at doon na namirmihan ang kanyang mga magulang.

Ika pa nga ni James, kaya pala daw magaling managalog eh Pinoy naman pala.

vuukle comment

GENERAL SANTOS CITY

GRABE

IBRAHIM AMIR

KAYA

LANG

LEE VAN CORTEZA

PINOY

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with