^

PSN Palaro

Thais sisiw sa RP-5, Vietnam kikilatisin

-
HO CHI MINH -- Makaraan ang impresibong panimula, tangka ngayon ng Philippine basketball team na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pakikipagharap sa host Vietnam team sa pagpapatuloy ng basketball competition ng 22nd Southeast Asian Games sa Military gym dito.

Ang laban ay sa ganap na alas-4:30 ng hapon (alas-5:30 sa Manila).

Nauna rito, noong Linggo ng gabi, tinuruan ng Nationals mag-basketball ang Thailand nang kanila itong ilampaso, 85-49 bilang magandang panimula sa kanilang kampanyang mapanatili ang korona.

Umiskor ng kabuuang 18 puntos si Ranidel de Ocampo, na nagdiwang ng kanyang ika-22nd kaarawan, upang pangunahan ang pananalasa ng Pinoy sa simula pa lamang ng laro kung saan agad itinala ang 10 puntos na kalamangan 28-18 at hindi na nila ito binitawan para itala ang lopsided na panalo.

Lumobo pa ng hang-gang 28 puntos ang kalamangan ng Pinoy sa ikatlong quarter, 73-35 ba-go tuluyang iselyo ang laban na abante na ng 36 puntos.

Sa nasabing laro, ginamit na rin ni national head coach Aric del Rosario si Wesley Gonzales na galing sa allergy kung saan may tatlong araw din itong nanuluyan sa Philippine medical room sa may Rex Hotel sa pangangalaga ni Dr. Alex Pineda makaraan magkaroon ng drug allergy sa gamot na iniinom.

Ngunit ang lahat ng ito ay natakpan sa maningning na nilaro ng Pinay cagabelles kung saan nalusutan nila ang mabigat na hamon ng Thailand, 84-82.

Sunod na makakalaban ng Pinay ang SEAG defending champion Malaysia sa alas-2:30 ng hapon (alas-3:30 sa Manila). (Ulat ni DMVillena)

vuukle comment

ARIC

DR. ALEX PINEDA

LINGGO

LUMOBO

MAKARAAN

PINAY

PINOY

REX HOTEL

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WESLEY GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with