^

PSN Palaro

3 golds inihatid ng RP athletics

-
HO CHI MINH -- Abot tenga na naman ang ngiti ni Go Teng Kok , ang pangulo ng Philippine Amateur Track and Field Association, dahil sa araw na ito tatlo mula sa apat na gold na nasungkit ng Pilipinas ang mula sa kanyang mga bataan.

Habang papalubog na ang araw, sinikatan pa rin ng suwerte sina John Lozada, Rene Herrera at Ernie Candelario para sa tatlong maningning na gintong medalya ng athletics habang ang ikaapat naman ay mula sa gymnast na si Neil Faustino.

Unang inihandog ng 25 anyos na si Candelario, gold medalist din sa Kuala Lumpur SEAG ang ginto sa bilis 47.06 seconds sa 400m run. Dagdag pa dito ang ikalawang pagtatapos ni Jimar Aing, para sa 1-2 gold-silver ng Pinas.

Hindi rin nagpadaig si Rene Herrera nang kanyang itala ang 8:50.78 seconds sa 3,000 steeplechase para sa gintong medalya.

Dinaig ng 23 anyos na tubong-Guimaras at silver medalist sa Asian Grand Prix, si Eduardo Buenavista na nagkasya lamang sa ikaapat na posisyon sa likuran ng nag-silver na si Jirasak Suthichat ng Thailand at bronze medalist na si Nguyen Kien Trung ng Vietnam.

Ang ikatlong gintong medalya ay galing naman kay John Lozada na namayagpag sa 1,500m upang sungkitin ang gold sa bilis na 3:56.80 at maunahan ang Vietnamese bet na si Tran Van Thang na pumangalawa para naman sa silver. Tersera ang Singaporean na si Chamkaur Singh.

"Yesterday we had one, now three. Marami pang darating," patungkol ni Go sa magandang performance ng kanyang mga bataan.

Hindi pa natatapos ang pagpupunyagi ng atleta, isinubi naman ni Fautitino ang ikaapat na gold nang tumabla ito sa Vietnamese gymnast sa Men III rings.

Umiskor ng magkatulad na 9.412 sina Faustino at Nguyen Minh Tuan para magsosyo sa gold habang tersera naman para sa bronze medal ang Thai na si Eakara Chankroong. (Ulat ni DMV)

ASIAN GRAND PRIX

CHAMKAUR SINGH

EAKARA CHANKROONG

EDUARDO BUENAVISTA

ERNIE CANDELARIO

GO TENG KOK

JIMAR AING

JIRASAK SUTHICHAT

JOHN LOZADA

RENE HERRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with