Lehitimong star kasi itong si Ceballos noong bata-bata pa siya.
Pero siyempre, mas maganda sana kung matagal-tagal siyang naglaro sa PBA. Makikita ng lahat ang magaganda niyang moves. Pero para mangyari iyon ay kailangang makasunod siya sa patterns ng San Miguel Beer at walang oras ang Beermen na pagtiyagaan siya dahil sa nasa Finals na ang Reinforced Conference.
Nais ng San Miguel na makatiyak na maganda ang magiging performance ng kanilang import at naaayon ito sa patterns nila. Iyon ang naibibigay ni Kwan Johnson sa San Miguel. Swak na swak si Johnson sa chemistry ng team dahil marami na siyang games na nalaro.
Hindi nga bat masama ang naging simula ng San Miguel sa torneong ito kung saan nakalasap kaagad ng limang talo ang Beermen. Sa mga larong iyon ay sina Shea Seals at Eric Dailey ang kanilang import.
Si Seals, na balik-SMB, ay mayroon palang injury. Nakapagtataka ngang masama ang naging performance nito kumpara noong isang taon. Pero ani coach Joseph Uichico, iba kasi noong isang taon kung kailan dalawang imports ang naglaro sa bawat team. Hindi talaga nakita nang husto ang husay ni Seals dahil sa may partner siya.
Si Dailey naman ay isang malaking pagkakamali. Biruin mong freethrows lang ay hindi pa ito maka-shoot. Sa kanyang kaisa-isang game sa San Miguel ay natalo sila sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs kung kayat pinauwi kaagad siya.
At dumating nga si Johnson na dating manlalaro ng Sta. Lucia Realty. Sa pagdating niya ay nabago ang kapalaran ng Beermen at nakaabot nga sila sa Finals. Kaya naman impressed si Uichico at ang Beermen sa kanya at feeling nilay kaya silang bitbitin nito tungo sa kampeonato.
So, etsapuwera na muna si Ceballos. Sana nga lang ay hindi nagkamali ang San Miguel sa desisyong ito. At sana ay wala nang iniindang groin injury si Johnson dahil kung mayroon pa at magbalik ang pananakit nito, hindi na puwedeng ibalik si Ceballos.
At kung kukuha pang muli ng panibagong import ang San Miguel, lalong hindi ito makakasunod kaagad sa kanilang mga patterns.
Kaya naman nanghihinayang ang iba kay Ceballos ay dahil nais nilang makita ang tinatawag na "showtime moves" ala Lakers. Isa pa, mayroon akong ilang kaibigang naghahangad na mapapirmahan ang kanilang mga NBA trading cards kay Ceballos.
Kumbagay hinalukay pa nila ang mga baul para hanapin ang mga trading cards ni Ceballos. Kahit pa sabihing baka mabawasan ng value ang mga ito, okay na rin kung may pirma ni Ceballos mismo.
Pero malay natin, baka sa isang taon ay mabigyang muli ng tsansa si Ceballos na makapaglaro sa PBA kundi sa San Miguel ay sa ibang koponan naman.