Sigurado na sa bronze ang RP chess team
December 8, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH CITY, VIETNAM -- Nakasiguro na ng bronze medal ang Phi-lippine chess team nang mag-ambag ng importanteng puntos sina Grandmasters Eugene Torre, Rogelio Joey Antonio, Bong Villamayor, GM-candidate Mark Paragua at International Master Jayson Gonzales nang pabagsakin nila ang Malaysia, 3.5-0.5, Indonesia, 3.5-0.5 at Thailand, 4-0, para manguna sa Group B ng rapid chess team ng 22nd Southeast Asian Games sa Van Don stadium.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagbuno ang RP chessers para sa silver medal kontra sa Singaporean sa crossover semifinals, at isusunod din ang finals.
Pinamumunuan naman ng Chinese GM na si Wu Shaobin ang Singaporean team bukod pa kina GM Wong Meng Kong, FM Jason Goh, Goh Weiming at Yeo Min-Yan.
Samantala, sa Group A naglalaban naman ang host Vietnam at Malaysia na tumalo naman sa Indonesia, 3-1 para makuha ang huling tiket sa final four.
Sa kababaihan, bronze medal lamang ang nasungkit ng Pinay chessers makaraang payukurin ng Myanmar, 2.5-1.5. (DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended