Hatfield, McClary pinarangalan

Tinanghal si Rudy Hatfield ng Coca-Cola na Best Player of the Conference ng PBA Samsung Reinforced Conference habang si Artemus McClary naman ang hinirang na Best Import kagabi sa awarding na ginanap bago magsimula ang Game-Four ng championship showdown ng Tigers at San Miguel.

Humakot si Hatfield ng kabuuang 2,260 puntos matapos manguna sa statistical race (459 points), nakakuha ng 35 votes sa media (1,230pts.), 16 players votes (371) at isang boto mula sa fourman committee para talunin si Asi Taulava ng Talk N Text na may 1,194 total points.

Nakaipon naman si McClary, isa sa tatlong import na di pinalitan, ng 1,958 points mula sa 37 media votes (1,332) at 20 players votes (626).

Show comments