Umiskor din ng 2-0 tagumpay sina Grandmaster Joey Antonio at GM-candidate Mark Paragua sa magkahiwalay na laban at isaayos ang isa pang All-Filipino quarterfinals.
Ang magwawagi sa pagtan nina Antonio at Paragua na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang balitang ito ay aabante sa semifinals na nakatakda ngayong alas-9 ng umaga.
"Yung away sa chess noon pa kasama sa drama ng laro. I look at it positively. Nakatulong ngayong gabi dahil nasa fighting mood ang mga players," patungkol ni coach Atty. Sammy Estimo sa gulong nagaganap sa loob ng team kung saan nahahati na sa dalawang grupo.
Dinispatsa ni Antonio si Nicholas Chan habang pinayuko ni Paragua si Lim Chuing Hu.
Si Mendoza na nakuha ang kanyang WIM title habang naglalaro sa board 2 ng 2000 World Chess Olympiad ay naka-bye sa opening round
Ang 29 anyos naman na si Mariano ay umabante sa quarterfinals nang malusutan nito ang sudden-death win kay Nur Zulkafli, 3-2.(Ulat ni DMVillena)