2 Pinoy pugs minalas
December 6, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH -- Tulad ng inaasahan, hindi kinapitan ng suwerte sina Violito Payla at Francisco Joven sa kanilang kampanyang maagang mapabagsak ang Thailand nang sila ang yumuko sa Thais sa kanilang laban noong Huwebes ng gabi sa boxing competition ng 22nd Southeast Asian Games na ginanap sa Phan Dinh Phung Stadium dito.
Masyadong malakas ang 2003 World Champion na si Sonjit Jongjohor para kay Payla nang gapiin nito ang Pinoy, 20-10 sa elimination ng flyweight division.
Kitang-kita ang dominasyon ng Thai laban kay Payla ngunit hindi sa bakbakan ng isa pang Thai kontra naman kay Joven.
Natalo si Joven sa dikit na 15-13 iskor kung saan dalawang beses pang nabawasan ng puntos si Manon Boonjumnong dahil sa headbutt.
Binigyang konsolasyon na lamang ni Florencio Ferrer ang maliit na grupo ng mga Pinoy na dumayo sa stadium, nang bugbugin nito ang Cambodian na si Sam Sokunthea at itala ang RSC-O (referee-stopped-contest-outclassed).
"Despite the losses, I believe we are still on track," kumpiyansa namang pahayag ni Amateur Boxing Association of the Philippines, (ABAP) president Manny Lopez na siya ring secretary-general ng Asian Boxing Federation. "We still have a gold medal potentials in our stable."
Nasa kanyang debut, masyadong agresibo si Joven sa pagtunog pa lang ng bell sa first round ngunit nakadikit naman at nakakatama sa mas may mahabang biyas na si Boonjumnong, 1998 Bangkok Asian Games gold medalist.
Dalawang beses nabawasan ng puntos ang Thai-- una sa second round at ikalawa sa fourth round-- dahil sa headbutting ngunit hindi nakaapekto sa resulta ng laban.
At nang itaas ng reperi ang kamay ng Thai na hudyat ng kanyang panalo, kantiyaw, sigaw at panlalait ang tinanggap nito mula sa grupo ng mga Pinoy.
"Grabe naman yata yun. Panay sayaw at takbo lang yung Thai nanalo pa," pahayag ng mga bigong Pinoy habang papalabas sa stadium.
Gayunpaman, kunsuwelo na sa mga manonood ang performance ni Ferrer kung saan inatake niya ang Cambodian sa second round na tinapatan ang pagka-agresibo nito.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, aakyat sa ring sina featherweight Roel Laguna at lightwelterweight Mark Jason Melligen.
Makakaharap ni Laguna si Keo Intha Sathi ng Laos habang makikipagpalitan ng kamao si Melligen kay Chan Samrith ng Cambodia. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended