Sina Kiamco, gold medalist sa 15 ball singles noong 2001 Kuala Lum-pur edition ng SEAG at si Corteza ay kapwa seeded sa quarterfinals at kailangan lamang manalo ng tatlong laban para sa kampeonato.
At kapag kinapitan pa ng suwerte sina Kiamco at Corteza, 8-ball singles champion sa KL Games, ito ang unang regalong ihahandog nila sa bansa.
Sasabak na rin sa aksiyon ang pambatong world champion cue artist na si Efren Bata Reyes sa 3-cushion Carom singles habang ang tam-balang Marlon Manalo at James Ortega naman ay makikipagtumbukan sa snooker doubles.
Samantala, magde-debut naman ang Chess dito sa SEAG at makiki-pagsulungan ang Pinoy chessers sa mens at womens individual rapid events sa Van Don Indoor stadium.
Ngunit sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa kung sino ang pipiliin kina Grand Masters Joey Antonio, Bong Villamayor at International Master Mark Paragua ang pupuno sa dalawang puwesto sa mens event.
Gayundin sa kababaihan na pinagpipilian sina Sheerie Joy Lomibao, Beverly Mendoza at Christine Rose Mariano. (Ulat ni DMV)