2 bronze kuha ng RP
December 5, 2003 | 12:00am
HANOI -- Nakapagsubi na rin sa wakas ang Philippines ng medalya sa kasalukuyang 22nd Southeast Asian Games kahapon sa tulong ng archer na si Florante Matan at ng mens gymnastics team na nagsubi ng dalawang bronze medal.
Tila kuminang na parang ginto ang bronze medal ni Matan sa National Sports Training Center habang kumolekta naman ng 200.45 puntos ang gymnastics team para magtapos bilang third sa likuran ng Thai-land (210.62) at silver medalists Malaysia (200.50).
Pinangunahan nina Ruel Ramirez at Brydon Sy ang mga Pinoy sa kanilang 9.4 at 9.3 puntos ayon sa pagkakasunod. Nakarating din sina Ruel Ramirez at Sy sa individual finals.
Ang iba pang miyembro ng RP team, ay sina Rico, Al at Ronel Ramirez at Neil Faustino.
Sa water polo, nalimitahan naman ang mga Pinoy sa 12-12 draw ng Indonesia ngunit nananatili pa rin silang may tsansa sa gintong medalya.
Makakalaban nila ang Thailand, runner-up sa 2001 SEA Games sa alas-9:00 ng umaga ngayon at kung silay mananalo ay nakakasiguro na sila ng silver medal.
Sa football, naitabla naman ng RP womens team ang kanilang laban kontra sa Indonesia sa 1-1 para sa kanilang ikalawang sunod na draw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended