RP Blu Boys bigo sa Japan
December 4, 2003 | 12:00am
Sumandal ang defending champion Japan sa mahusay na pitching ni Nabunori Nishimura at sa kanilang mahusay na depensa upang pasadsarin ang RP Blu Boys, 3-0 para makopo ang titulo sa 7th Asian Mens Softball Championship sa Rizal Memorial Ballpark.
Pinayagan lamang ni Nishimura ang Blu Boys na makadalawang hits tungo sa kanilang tagumpay.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-pitch ang kaliweteng si Mark Rae Ramirez at nagpasiklab ito sa pag-i-strike-out ng siyam na hitter ngunit apat na hits ang pinakawalan nito kung saan umiskor ng tatlong runs sina Tomoaki Okamoto at Makoto Yama-naka.
Nagkasya lamang sa runner-up finish ang Blu Boys ngunit nakasiguro naman sila ng slot sa World Championship sa Christchurch, New Zealand sa January.
Si Ramirez ang napiling MVP sa torneong ito dahil sa kanyang limang RBIs (runs batted in) ngunit tatlong beses itong na-strike out kahapon.
Sa iba pang laro, inilampaso naman ng Indonesia ang India para para magtapos bilang ikalimang team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended