Sinabi ni PSA president Roberto D. Cuevas, sports editor ng Manila Standard, na nagpadala na sila ng imbitasyon sa Pangulo na inaasahang maggagawad ng pinakamataas na karangalan sa mga top athletes at iba pang achievers ng 2003.
Kung tatanggapin ng Pangulo ang imbitasyon, ito ang ikalawang pagkakataong dadalo siya sa gabi ng parangal na taunang isinasagawa ng PSA.
Kabilang sa mga presidenteng nakibahagi sa pagbibigay ng PSA ng rekognasyon sa mga outstanding athletes ay sina Ferdinand E. Marcos, Co-razon Aquino, Fidel V. Ramos at Joseph Estrada, na kinatawan ng kanyang anak na si former San Juan Mayor Jinggoy Estrada.
Ang mga kandidato para sa Athlete of the Year award ay sina boxing champion Manny Pacquiao at bowler CJ Suarez, ang ikaapat na Pinoy na nanalo ng prestihiyosong World Cup ng bowling.