^

PSN Palaro

Pang. Arroyo inimbitahan sa PSA Awards

-
Inimbitahan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang guest of honor at speaker sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards na nakatakda sa Jan. 9 sa Manila Pavillion.

Sinabi ni PSA president Roberto D. Cuevas, sports editor ng Manila Standard, na nagpadala na sila ng imbitasyon sa Pangulo na inaasahang maggagawad ng pinakamataas na karangalan sa mga top athletes at iba pang achievers ng 2003.

Kung tatanggapin ng Pangulo ang imbitasyon, ito ang ikalawang pagkakataong dadalo siya sa gabi ng parangal na taunang isinasagawa ng PSA.

Kabilang sa mga presidenteng nakibahagi sa pagbibigay ng PSA ng rekognasyon sa mga outstanding athletes ay sina Ferdinand E. Marcos, Co-razon Aquino, Fidel V. Ramos at Joseph Estrada, na kinatawan ng kanyang anak na si former San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Ang mga kandidato para sa Athlete of the Year award ay sina boxing champion Manny Pacquiao at bowler CJ Suarez, ang ikaapat na Pinoy na nanalo ng prestihiyosong World Cup ng bowling.

ANNUAL AWARDS

ATHLETE OF THE YEAR

FERDINAND E

FIDEL V

JOSEPH ESTRADA

MANILA PAVILLION

MANILA STANDARD

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with