Kumpiyansa si archery team manager Ligaya Manalang sa kanilang kampanya na pinamumunuan ni Sydney Olympian Jennifer Chan sa National Sports Training Center No. 1 ngayong alas-10 ng umaga (alas-11 sa Manila).
Pupuntirya ang women sa 70 at 60 meters habang ang kalalakihan naman ay 90 at 70m sa unang araw ng qualifying na dedetermina sa top 32 na makakausad sa Olympic round.
May apat na golds ang nakalaan dito--2 sa individual at 2 sa team event.
Sa kabilang dako naman haharapin ng RP water polo team ang reigning SEAG champion Singapore sa ganap na alas-10:30 ng umaga sa Ng Dihn Stadium.
Nakatakdang makipagkumpetensiya ang Pinoy sa 28 event ng nakatakdang 32 sports events. Ito ay ang swimming, water polo, diving, archery, canoe/kayak, cycling, fencing, womens football, gymnastics, karatedo, pencak silat, rowing, sepak takraw, shooting, traditional boat race, volleyball, weighlifting, wrestling, wushu (lahat sa Hanoi), table tennis, (Haishung), badminton, basketball, billiards, bodybuilding, boxing, chess, judo, taekwondo at tennis (sa Ho Chi Minh).