^

PSN Palaro

RP archers at Water Polo team sasabak sa aksiyon

-
HANOI -- Opisyal na bubuksan ng Philippines ang kanilang kampanya sa 22nd Southeast Asian Games ngayon sa dalawang events-archery at water polo.

Kumpiyansa si archery team manager Ligaya Manalang sa kanilang kampanya na pinamumunuan ni Sydney Olympian Jennifer Chan sa National Sports Training Center No. 1 ngayong alas-10 ng umaga (alas-11 sa Manila).

Pupuntirya ang women sa 70 at 60 meters habang ang kalalakihan naman ay 90 at 70m sa unang araw ng qualifying na dedetermina sa top 32 na makakausad sa Olympic round.

May apat na golds ang nakalaan dito--2 sa individual at 2 sa team event.

Sa kabilang dako naman haharapin ng RP water polo team ang reigning SEAG champion Singapore sa ganap na alas-10:30 ng umaga sa Ng Dihn Stadium.

Nakatakdang makipagkumpetensiya ang Pinoy sa 28 event ng nakatakdang 32 sports events. Ito ay ang swimming, water polo, diving, archery, canoe/kayak, cycling, fencing, women’s football, gymnastics, karatedo, pencak silat, rowing, sepak takraw, shooting, traditional boat race, volleyball, weighlifting, wrestling, wushu (lahat sa Hanoi), table tennis, (Haishung), badminton, basketball, billiards, bodybuilding, boxing, chess, judo, taekwondo at tennis (sa Ho Chi Minh).

HAISHUNG

HO CHI MINH

KUMPIYANSA

LIGAYA MANALANG

NAKATAKDANG

NATIONAL SPORTS TRAINING CENTER NO

NG DIHN STADIUM

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SYDNEY OLYMPIAN JENNIFER CHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with