Talk 'N Text, 3rd placer
December 1, 2003 | 12:00am
Matapos na ma-sweep sa semifinals, siniguro ng Talk N Text Phone Pals na hindi makakawala sa kanilang kamay ang third place trophy matapos nilang dispatsahin ang Sta. Lucia Realty, 123-106 kagabi sa Samsung-PBA Reinforced Conference sa Araneta Coliseum.
Kumana si import Damien Cantrell ng game-high na 35 puntos, 20 rebounds, apat na assists at 2 blocks nang kanyang pangunahan ang Phone Pals sa kanilang panalo kung saan sinamantala rin ng tropa ni coach Joel Banal ang di paglalaro nina Marlou Aquino at import Ray Tutt na nagkaroon ng injury.
"I had a great time playing here in the Philippines, and Im looking forward to return here next year," wika ni Cantrell.
Tanging oposisyon na nagawa ng Realtors ay ang makipaggitgitan sa first quarter kung saan abante lamang ang Talk N Text sa 31-25 sa likod ng opensa nina Cantrell at rookie Jimmy Alapag.
Ngunit isang 12-0 bomba ang pinasabog ng Phone Pals upang iposte ang kanilang pinakamalaking bentahe sa 106-84, may 8:09 pa ang nalalabi sa final period.
Samantala, kasalukuyang naglalaban ang magkapatid na kumpanyang San Miguel Beer at Coca-Cola sa Game-One ng kanilang best-of-seven titular showdown habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended