^

PSN Palaro

BILOG ANGOLA

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami tayong dapat matutunan mula sa Olympic team ng Angola, lalo na’t sinasabi nating mahilig tayo sa basketbol. Isa silang halimbawa ng magagawa ng sipag, tiyaga, at sinserong pagnanais na humusay sa isang bagay.

Kung tutuusin, maliliit ang mga Angolan, subalit napapan-sin na sila sa international competition. Sa Sydney Olympics, nagtapos sila sa panlabindalawang puwesto. Sa huling World Championships, umakyat sila sa ika-11. Sa Athens Olympics, balak nilang umabot sa top ten.

"Ibinagay namin ang mga technique na napag-aralan namin sa katawan namin," paliwanag ni Angola Basketball Federation secretary-general Raul Duarte. "At lumikha kami ng isang mabilis na estilo ng basketbol."

Kahanga-hanga ang sipag na pinapakita ng mga Angolan. At bagamat bata pa ang ilang miyembro ng koponan, maaa-ninag na malalim ang kanilang kaalaman sa basketbol. Isipin na lang natin na tinalo na nila ang lahat ng bansa sa Africa at Asya (pati China). At sinasabi nilang maliit sila.

Bagamat mahirap lang na bansa ang Angola, alam nilang hindi nila makukuha ang lubos na suporta ng pamahalaan. Kaya ang mga biyahe nila ay sinasagot ng kanilang mga isponsor, na lubusang nakikinabang naman tuwing nagwa-wagi sila sa mga palaro. Pitong ulit na silang kampeon sa Africa.

Huwag kayong magulat kung abutin na nila ang tulad ng Australya at China sa Olympics. Kung suwertehin sa grupo nila, baka makapasok na nga sila sa top ten.

Sana, magaya natin ang mga ginagawa nilang tama.

ANGOLA BASKETBALL FEDERATION

ASYA

AUSTRALYA

BAGAMAT

HUWAG

RAUL DUARTE

SA ATHENS OLYMPICS

SA SYDNEY OLYMPICS

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with