PBA Finals: Game One
November 30, 2003 | 12:00am
Parehong gutom sa titulo, sisimulan ngayon ng mag-utol na San Miguel Beer at Coca-Cola Tigers na maigapang sa unang baytang ang kani-kanilang kampanya sa pagsisimula ngayon ng kanilang best-of-seven championship series ng Samsung-PBA Reinforced Conference sa Araneta Coliseum.
Kapwa galing sa impresibong pagwalis ng kani-kanilang best-of-five semifinals series, mag-uunahan ang Beermen at Tigers sa pagsungkit ng unang panalo sa alas-6:30 ng gabi.
Maagang winakasan ng Beermen at Coke ang semis round matapos na ikamada ang 3-0 sweep kontra sa Sta. Lucia Realty at Talk N Text Phone Pals.
Pinatalsik ng Tigers ang Phone Pals sa iskor na 101-81, habang dinis-karil naman ng Beermen ang Realtors, 110-96.
Batid ng Beermen na mas malakas ang lineup ng Tigers kung saan dominado nila ang tournament simula pa lamang sa umpisa at ang tanging pagkatalong natikman ng tropa ni coach Chot Reyes ay mula sa Red Bull Barako sa eliminations.
Taliwas naman sa Beermen na nito lang kalagitnaan ng elimination nag-peak.
Ang dalawang koponan na ito ay matagal nang nagnanais na ma-nalo ng PBA title kung saan huling ibinulsa ng Beermen ang kanilang huling PBA championship, may dalawang taon na ang nakakalipas, habang ang pinakamaga-dang tinapos ng Tigers sa liga ay ang second place finish sa huling dalawang conference finals.
Samantala, maglalaban naman ang Realtors at Phone Pals sa alas-4:15 ng hapon para sa konsolasyong ikatlong puwesto. (Ulat ni BRepizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am