Ang pagbibitiw na ito ni Ronquillo, nagbigay sa Shell ng dalawang PBA championships at apat na beses na pagtapak sa finals sa nakalipas na siyam na taong paggiya sa koponan ay iniyakan ng halos lahat ng manlalaro matapos niya itong pormal na ihayag.
"I feel for these players. I love them because they gave me a great nine years.," ani Ronquillo.
Ayon naman kay Shell governor Bobby Kanapi ang pagbibitiw ni Ronquillo ay isang "touching and emotional moment but everything was done in a very professional manner and there is absolutely no rancor."
Sinabi rin ni Kanapi na maraming bilang ng mga pangalan ang naglutangan bilang kapalit ni Ronquillo, ngunit ang nasabing grupo ay kasalukuyang pinag-aaralan ang mga kandidato at umaasa sila na sa susunod na linggo ay kakaunti na lamang ang pangalan na kanilang pagpipilian kung sinong mentor ang kanilang kukunin matapos ang ilang serye ng interviews.
"I have reached a crossroads and decided this is then time to quit," pahayag pa ni Roqnuillo na dating manlalaro ng La Salle na gumiya rin sa PBL at UAAP simula noong 1991.
Plano ngayon ng 39-anyos na si Ronquillo na ituon sa kanyang pamilya ang kanyang atnesiyon gayundin sa kanilang food business at partnership sa badminton center sa Las Piñas.
Kabilang sa matunog na pangalan na posibleng humalili kay Ronquillo ay sina Norman Black, Eric Altamirano, Derick Pumaren at Leo Isaac.