Montana, nanatili sa likurab ng Welcoat
November 28, 2003 | 12:00am
Matagumpay na isinara ng Montana Pawnshop ang kanilang kam-panya sa unang round ng eliminations sa pamamagitan ng 82-74 panalo kontra sa ICTSI La Salle sa pagpapatuloy ng PBL Platinum Cup sa UST gym kahapon.
Sumandal ang Jewelers kina Jon Dan Salvador, Gary David at Jam Alfad na may pinagsamasamang 44 puntos tungo sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang anim na laro sa unang ikutan.
Bunga nito, nanatili sa ikalawang puwesto ang Jewelers sa likod ng nangungunang Welcoat Paints na nag-iingat ng 5-1 kartada papasok sa ikalawang round.
Nakabawi ang Montana sa malaking pagkatalo sa Welcoat, 66-94 matapos ipalasap sa ICTSI Archers ang ikaapat na pagkatalo sa anim na laro.
Gumamit ang Montana ng 20-4 run upang kunin ang 62-45 bentahe na higit pang lumaki sa 22-puntos, 70-48 na kanilang naitala sa bungad ng ikaapat na quarter.
Sa pagtutulungan nina Joseph Yeo at Mark Cardona, nakalapit ang Archers hanggang anim na puntos ngunit naging matatag ang Jewelers sa huling bahagi ng labanan upang mapreserba ang kanilang tagumpay.
Tumapos si Joseph Yeo ng 22 puntos na sinundan naman ni Cardona ng 17 na nawalan ng saysay matapos malasap ang ikalawang sunod na talo ng ICTSI.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended