Hindi naman nakalusot sina three-time World Pool champion Earl Strickland ng US, Ralf Souquet ng Germany, Marcus Chamat ng Sweden, Hsia Hui Kai ng Chinese-Taipei at Kunihiko Takahashi ng Japan sa upset sa first round sa kamay ng mga Pinoy cue masters.
Unang napatalsik ay ang mainitin na si Strickland na sinorpresa ni Ramil Gallego, 9-1 habang yumuko naman si Souquet sa di gaanong kilala na si Rene Cruz, 9-3.
Hindi rin nakaligtas si Hsia, ang Busan Asian Games 8-ball champion, na pinataob ni Leonardo Andam, 9-5 habang yumuko naman si Takahashi kay Gandy Valle, 9-5 sa apat na araw na event na ito na itinataguyod ng Cafe Puro at Studio 23.
Napatalsik naman si Chamat ni Chia Ching Wu ng Chinese-Taipei, 8-9 ngunit nahaharap ang Taiwanese kay Reyes sa Last 16, ang isa pang race-to-9 duel na nakatakda ngayong alas-11 ng umaga.
Tinuruan ni Reyes, na sariwa pa sa kanyang panalo sa All-Japan Open noong nakaraang linggo at mamumuno sa RP squad na lalahok sa Vietnam Southeast Asian Games sa susunod na linggo, si Chun ng malinis na leksiyon, na nagpalakas ng kanyang tsansa sa pangunahing $20,000 premyo.
Habang nakatuon naman ang pansin kay Reyes, nagnakaw ng eksena si Gallego sa kanyang panalo kay Strickland.
Nagpamalas ng porma na nagbigay sa kanya ng second place finish sa 2001 Tokyo Open, ang 37 anyos na si Gallego ay nakipagkarera sa maagang 5-0 abante at hindi binigyan ng tsansa si Strickland na makabawi.