^

PSN Palaro

Siklista papadyak ng 3 hanggang 5 ginto

-
Kumpiyansa ang cycling federation na makapagbubulsa ng tatlo hanggang limang medalyang ginto sa pagsikad ng 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre 5-13.

"Marami tayong event na sasalihan sa Vietnam Southeast Asian Games katulad ng criterium, road, mountainbike, individual time trial at team time trial," pahayag ni Mar Mendoza, ang secretary-general ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP)." In all of these events, may tinitingnan tayong gintong medalya."

Kabilang sa mga riders na inaasahan ng ICFP na magpapakitang gilas sa biennial event ay sina Warren Davadilla, Victor Espiritu Mercullio Ramos Jr., Rhyan Tanguilig at Enrique Domingo.

Ang lima ay bahagi ng 18-man national team na isasabak ng cycling fede-ration sa Vietnam SEAG.

"Ang projection namin sa huling pag-uusap namin ni coach Jomel (Lorenzo) is at least a minimum of three sa 14 golds at stake. But it doesn’t mean that we are limiting our target to three golds. Siyempre, we are also looking of a possible five gold medal haul," ani Mendoza.

Bukod sa 13 male riders, kasama rin sa grupo ang limang female cyclists na posible ring makapag-uwi ng gintong medalya sa sasalihan nilang event sa Vietnam, ayon pa kay Mendoza.

Samantala,nagsumite ng kanilang letter of appeal ang grupo nina Filomeno ‘Boy’ Codinera at Antonio del Monte ng Nobyembre 10 sa Philip-pine Olympic Committee (POC) para resolbahan ang leadership crisis sa softball association.

Sinabi ni Manila Rep. Harry Angpin, pangulo ng Amateur Softball Asso-ciation-Philippines (ASA-Phil), na inaasahan niyang hindi na ito papan-sinin pa ni POC president Celso Dayrit.

Samantala, upang ma-panatili ang kanilang commit-ment sa sports-worldwide, pumayag ang Samsung na sumuporta sa mga aktibida-des ng Philippine Olympic Committee (POC) kabilang ang paglahok ng bansa sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games.

"We are grateful to Sam-sung, in particular its president and CEO (chief opera-ting officer) Sam Youl Eom, for helping us pursue our bid for a successful campaign in the SEA Games," ani POC president Celso L. Dayrit kahapon.

Bilang bahagi ng su-porta ng sports, magsasa-gawa rin ang Samsung ng sportswriting at photo contest hinggil sa Vietnam SEA Games na nakatakda sa siyudad ng Hanoi, Ho Chi Minh at Haishung mula Disyembre 5-13.

AMATEUR SOFTBALL ASSO

CELSO DAYRIT

CELSO L

DISYEMBRE

ENRIQUE DOMINGO

HARRY ANGPIN

HO CHI MINH

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

VIETNAM SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with