40 golds kayang iuwi ng RP contingent
November 26, 2003 | 12:00am
Nagbigay ng bilang ng gintong medalya si Philippine Olympic Com-mittee president Celso Dayrit ngunit hindi nito sinabi kung sapat ang bilang na iyon upang mapaangat ng Pambansang delegasyon ang kanilang overall standing sa pagsabak sa Vietnam Southeast Asian Games sa susunod na linggo.
Kumpiyansang sinabi ni Dayrit na inaasahan niyang aabot sa 40 golds ang maiuuwi ng 658-man Philippine contingent sa kanilang kampanya sa Hanoi at Ho Chi Minh para malagpasan ang 31 gold medal finish na kanilang hinakot sa Kuala Lumpur noong 2001 na sapat lamang para sa ikalimang puwesto sa pangkala-hatang katayuan.
"I believe we will hit 40 this time. But how much more we need to finish higher than fifth place, its difficult to predict," ani Dayrit sa forum na itinata-guyod ng Red Bull, Agfa Colors at PAGCOR.
Nauna rito, sinabi na-man ni Philippine Sports Commission Eric Buhain na aani ng 40 hanggang 60 gold medals ang bansa. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended