^

PSN Palaro

Presidential Medal of Merit iginawad kay Pacquiao

-
Libu-libong Filipinong umiidolo ang naghintay sa pagdaan ni Manny Pacquiao sa kalsada ng Maynila at Makati.

Ito ang naging tanawin sa mga kalsada ng nabanggit na lungsod ng dumaan si Pacquiao sa kanyang pagtungo sa Malacañang upang makipagkita kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tinaguriang bagong bayani dahil sa kanyang karangalang ibinigay sa ating bansa na kasalukuyang napapalibutan ito ng hindi magagandang senaryo sa pulitika at ekonomiya, si Pacquiao ay ginawaran ng Pangulo ng "Presidential Medal of Merit" bukod pa sa P1 million bilang pagkilala sa kanyang ginampanan sa bansa na nagbigay ng pag-asa sa Pangulo na malaki ang pag-asa ng mga Pinoy na maging pinakamagaling sa buong mundo.

Kabilang sa mga sumaksi sa paggawad ng karangalan kay Pacquiao sa Ceremonial Hall sina Cabinet members na pinamunuan nina De-fense Secretary Eduardo Ermita, PSC Chairman Eric Buhain, Games and Amusements Board Commissioner Emmanuel Palabrica, World Boxing Council founding secretary general Rudy Salud, asawang si Jinky, mga anak na si Emmanuel Jr, business manager Rod Nazario, trainer Buboy Fernandez, cornerman Lito Mondejar at handlers Moy Lainez at Gerry Garcia.

Sa kanyang maikling pananalita, pinasalamatan ni Pacquiao ang Pangulo at mga kababayan na buong pusong sumuporta sa kanya na kanyang nasaksihan sa mainit na pagtanggap ng mga kababayang Pinoy na dumumog sa kanyang parada at matiyagang naghintay sa mga kalsada sa tindi ng sikat ng araw.

Ipinagkaloob ni Pacquiao sa Pangulo ang People’s Champion belt na kanyang nakuha makaraang pabagsakin si Mexican Marco Antonio Barrera sa loob ng 11th round sa San Antonio, Texas, isang VHS tape na kopya ng kanyang laban kay Barrera at commemorative

t-shirts na may nakatatak na "Clash of the Titans."

Magiging panauhin din ngayon si Pacquiao sa PSA forum sa Holiday Inn at sa hapon ay magtutungo naman sa Kongreso kung saan naka-takda din siyang bigyan ng parangal. Magiging panauhin din ang Pinoy champ sa Game Two ng PBA semifinal series kung saan bibigyan din ng award of recognition nina PBA commissioner Noli Eala at PBA chairman Jun Cabalan.

Plano din ni Pacquiao na magtungo sa Vietnam para magbigay ng su-porta sa 449 atletang kakampanya sa SEA Games.

"Gusto ko iyon para makapanood ako ng SEA Games at makapag-cheer din. Sasama ako sa kanila, " ani Pacquiao. (Ulat ni Dina Marie Villena)

vuukle comment

BUBOY FERNANDEZ

CEREMONIAL HALL

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CLASH OF THE TITANS

DINA MARIE VILLENA

EMMANUEL JR

KANYANG

PACQUIAO

PANGULO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with