Hindi rin pinakawalan ni Arevalo, seeded fourth, ang korona sa doubles nang siya ay makipagtambal kay Ana Patricia Santos at iposte ang 6-1, 6-4 panalo kontra sa top seed na tambalan nina Rina Caniza at Jennifer Saret.
"Im happy for winning the title," wika ng 18-anyos na si Arevalo, na kumita ng kabuuang P34,000 cash, kabilang ang kanyang P4,000 sosyo sa doubles.
Sinimulan ni Arevalo ang taong ito sa unahan ng Philta national rankings, ngunit bumagsak ito sa ikaapat matapos ang tatlong buwang pamamahinga mula sa kompetisyon.
"I stopped schooling for three months because I was competing in the ITF Juniors Circuit. When I got back, I was forced to skip tournaments for the next three months to make up for my studies," ani Arevalo, high school senior sa Angelicum School.
Ang natatanging major tournament na nilahukan ni Arevalo ay ang Hilado Cup sa Bacolod City noong nakaraang buwan nang kanyang igupo si Labay sa semis, 6-0, 7-5 subalit nabigo ito kay Santos sa finals, 2-6, 1-6.
"Talagang malakas ang bola ni Czarina, hindi ako makaporma," anaman ng 17-gulang na si Labay, na nag-runner up sa Philta Open, Coca-Cola at Escudero Cup ngayong taon.