SOBRANG BARAKO
November 23, 2003 | 12:00am
Nararapat lamang na maging mabigat ang parusa kay Jimwell Torion ng Red Bull Barako. Kung sa baseball, strike three nat wala nang nalalabing pagkakataon ang kanyang nabahirang karera. Di bat may kasabihan: "Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me."
Noong simula ng taon, napaaway si Torion kay Bal David. Pagkalipas lamang ng ilang linggo, umamin siyang gumamit ng shabu nang maglaro sila sa Cebu. Ang paliwanag niya: di niya naunawaan kung gaano kagrabe yung ginawa niya. Ngayon, humarap siyang humahagulgol kay PBA Commissioner Noli Eala upang humingi ng patawad. Bola daw ang hinahabol niya nang basagin niya ang mukha ni Jimmy Alapag. Pero balikan natin ang bunga ng kanyang ginawa.
Inabot ko sa Medical City si Alapag, nakaratay sa emergency room. Magkahalong kulay ng kamatis at talong ang maga niyang mukha. Tinapalan ng semento bilang suporta sa lumubog niyang ilong. Di makapagsalita sa sakit. Inoperahan ang rookie noong Huwebes upang tumangos muli.
Itoy halos pareho ng ginawa ni Rudy Distrito sa rookie ng Alaska na si Jeff Cariaso noong 1995. Fastbreak, at malayo na si Cariaso. Hinabol ni Distritot sinahod yung bata.
Noong buhay pa ang MBA, may regulasyon sila na, kung tinangka mong tamaan ang isang kalaban lagpas ng balikat pataas, agad kang masususpindi, kahit di nakita ng referee. Baka dapat pag-aralan ito ng PBA.
Mahirap paniwalaan si Torion dahil magkakasunod ang mga pagkakamali, para na tayong ginagawang tanga. Kung nakita ng mga magulang ni Alapag ang ginawa ni Torion, baka demanda pa ang inabot niya. Kung di pa siya matututo, dapat lamang ay tanggalin na siya ng Red Bull, kung di man ng PBA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended