Sta.Lucia vs Alaska sa Sudden Death
November 21, 2003 | 12:00am
Paglalabanan ngayon ng Sta. Lucia at Alaska ang kahuli-huling semifinal slot sa natitirang sudden death match ng quarterfinal phase ng Samsung-PBA Rein-forced Conference sa Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa labanang ito ang siyang makakasama ng Coca-Cola, Talk N Text at San Miguel sa semis round na magsisimula sa Linggo.
Hinihintay ng Beermen ang magtatagumpay sa labanang ito para kalabanin sa best-of-five series para sa Group A semifinals.
Ang Group B semis match ay sa pagitan naman ng Coca-Cola at Talk N Text na kapwa nanalo sa magkahiwalay na sudden-death matches kamakalawa laban sa Ginebra at Red Bull ayon sa pagkakasunod.
Nahatak ng Alaska ang deciding Game-Three na ito matapos ang 95-84 panalo noong Linggo para itabla ang best-of-three quarterfinal series sa 1-1 panalo-talo.
Nagsanib ng puwersa sina import Ike Fontaine at Brandon Lee Cablay para sa kanilang nakaraang laban sa pagkamada ng 28 at 20 puntos ayon sa pagkakasunod para makabawi sa kanilang pagkatalo sa Game-One.
Umaasa si Alaska coach Tim Cone na makakapaglaro na ngayon si Ali Peek na matagal nang nasa injured lists dahil sa kanyang naoperahang tuhod.
"I cant say for sure. I cant tell you if Alis going to play because Im not 100% sure. I know hes ready. I know hes itching to play. But unless the doctors can be really sure, we cant tell if hes going to suit up," ani Cone.
Sa King of the Court One-on-One competition finals, maghaharap naman sina reigning MVP Willie Miller ng Red Bull at Joey Mente ng San Miguel para sa P150,000 premyo ng 64 under division bago magsimula ang sudden death match ng Sta. Lucia at Alaska.
Samantala, ipinatawag ni PBA commissioner Noli Eala si Jimwell Torion ng Red Bull dahil sa hindi magandang inasal nito sa kanilang laban kontra sa Talk N Text kung saan humataw ito ng flagrant foul kay Jimmy Alapag. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended