Si Santos na nag-champion sa Olivarez Cup, Coca-Cola Open at Hilado Open sa taong ito na nagbigay sa kanya ng No. 1 ranking, ay umiskor ng 6-4, 6-1 panalo kontra kay No. 13 Aileen Rogan para kalabanin ang mananalo sa pagitan nina No. 7 Ivy de Castro at No. 11 at national soft tennis player Divine Escala.
Pinabagsak naman ng second-ranked na si Labay ng Bacolod City si Annie dela Pena, 6-2, 6-4, para makausad laban kay sixth seed Deena Rose Cruz, na nanalo sa 6-4, 6-4 kontra kay Bernar-dine Sepulveda ng La Salle.
Pinabagsak naman ni Arevalo, ang defending champion at fourth seed na si Hazel Tanedo, 6-0, 6-0, at susunod nitong maka-kalaban si fifth seed Michelle Panis, na nagposte ng 6-2, 6-2 sa di kilalang si Julie Em Botor.
Naghabol naman ang Lucena City-based na si Zoleta, ang third seed na nanalo ng Escudero Cup noong nakaraang taon, bago pabagsakin si Karen Reyes, 1-6, 6-2, 7-5, para ipuwersa ang quarterfinal showdown laban kay No. 8 Josephine Paguyo, na nanalo naman kay No. 10 Catherine Flores, 7-5, 6-4.
Samantala, dinimoralisa naman nina defending mens doubles champion Johnny Arcilla at Michael Mora III sina Gabby Remigio at Karl Santamaria, 6-2, 6-0, para makarating sa third round ng event na ito na hatid ng Dunlop at sponsored ng Diadora, PLDT, Procter and Gamble, Coca-Cola, Copacabana, San Miguel Corporation, Stronghold, Little Lawrence, PVL Restaurant at ng Philippine Star.