^

PSN Palaro

Tax exemptions para kay Pacquiao at Delasin hiniling

-
Dapat kilalanin ang kabayanihang ipinakita ng boxer na si Manny Pacquiao at golfer na si Dorothy Delasin sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax exemptions sa kanilang kinita mula sa US kamakailan, giit kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda.

"If the government gives monetary incentives to non-professional athletes who bring glory and honor to the country, maybe it’s not too much to ask that professional sportsmen and women who make us proud to be Filipinos be given some recognition in the form of tax exemptions," ani Legarda.

Sinabi pa ni Legarda na puwedeng magsilbi sina Delasin at Pacquiao bilang modelo ng mga kabataang Pilipino na siya niyang gustong isulong nang isinumite niya ang Senate Resolution 154. Layon ng SR 154 na maiukit sa kaisipan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng karakter na maaaring mahu-bog sa pamamagitan ng paaralan, tahanan, sambahan, media at komunidad.

Tinalo ni Pacquiao via knockout sa 11th round ang legendary Mexican boxer na si Marco Antonio Barrera habang isinubi naman ni Delasin ang ikaapat niyang titulo sa US LPGA.

DAPAT

DELASIN

DOROTHY DELASIN

LAYON

LEGARDA

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

PILIPINO

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

SENATE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with