Gayunpaman, hindi nilinaw ng Malakanyang kung saan manggagaling ang naturang pondo para sa 658-man RP delegation.
Itoy isang magandang balita para sa RP Team na ilang araw na lamang ay magsisimula nang umalis patungong Vietnam kung saan ang bulto nito ay aalis sa December 2 kasabay si Buhain bago magsimula ang Biennial Meet sa December 5 at matatapos sa December 13.
Ayon sa isang mapapagkatiwalaang source sa Palasyo, maaaring ang Presidential Contingency Fund kukunin ni Pangulong GMA ang naturang pondo.
Nauna nang naglaan ng P90 milyon ang PSC para sa gastusin ng RP delegation na siya ring ginastos ng bansa sa Malaysia SEA Games noong 2001.
Ayon kay POC president Celso Dayrit, may P40 milyon lamang ang gagastusin ng bansa ngunit di pa kasama dito ang mga equipments.
Target ng RP delegation na makapag-uwi ng 40 hanggang 60 gold medals sa naturang event upang higitan ang kanilang fifth place finish sa Malaysia noong 2001.
Inaasahang pangungunahan ng athletics team ang kampanya ng bansa sa naturang biennial meet.